sobrang nababadtrip ako dahil sa umaandar na naman yung katok kong ugali
one week nalang halos ang ipapasok ko at matatapos na ang summer class
hindi ko alam kung baket pero ayoko matapos
nakakainis!
nakakainis!
sa kadahilanang hindi ko naman masabi
ang hirap kasing sabihin
ang speech ko nga pala
ayun, hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko eh
ang hirap naman kasi
Nagstart ang summer class namen ng 10th of april. Sa totoo lang, nung una ayoko magsummer dahil naisip kong wala akong 12-14 hours a day na tulog, at puro pagpasok nalang sa school ang mangyayari sa buong taon ng buhay ko^^
* * * * * * * *
Ok.Ang joteng(arte) ko pero bigla kong naisip na kailangan kong maghabol ng subjects para maiwasan ang overload na siguradong nagpapasakit ng ulo ko. Teka, ano nga ba ang reasons ko sa pagkuha ng summer class?
…para nga hindi mag-overload ng subjects
…para hindi mabored sa bahay dahil nga puro tulog lang ang gagawin ko kung yun man ang nangyari, tss..ako pa naman yung taong madaling magsawa sa mga bagay-bagay na alam kong wala namang masyadong benefit para saken, dahil tataba lang ako, lalo akong tatamarin dahil daig pa ng higaan ko ang gravity ng sun(yeah, ganun ako kainlove sa higaan ko^^)
…para baka kasi sakaling may mabago sa buhay ko?
…para hindi maaksaya ang panahon ko at may matutunan man lang?
…para may baon
…para makakilala ng ibang tao?masyado na yata kasi akong nagsisiksik sa yungib hahaha daig pa ang peking at java man
…dahil alam ko namang boring nga ang summer dahil lagi lang akong nasa bahay dahil hindi din naman ako papayagang lumabaslabas
* * * * * * * *
Ok sa ngayon yan lang ang naisip kong reason para sa pagkuha ko ng summer class. Naboboring din naman ako sa school dahil sa vacant ko na 2 hours at 1 hour and 45 minutes. Yeah, ganun ka dusa ang pag-iintay ko. Pumapasok ng 10am kahit 11am pa ang klase sa first subject na may cool na prof. Ang pinaka-kwela kong klase dahil..dahil..dahil..hindi ko masabi..hindi ko din ma-i-type, hanggang utak ko lang yung idea(haler?!kaya nga tinawag na idea eh kasi nasa utak palang pag may output na, eh term na tawag dun)
* * * * * * * *
Bakit nga ba masyado akong naaaliw sa eng202? Ang adik ko lang eh no? Ngayong summer, nagpagupit ulet ako, hindi ko alam kung bakit, basta gusto kong magpagupit, at may bangs pa hahah, kasi sumasabog na ung buhok ko, parang yung walis na pangtanggal ng agiw haha..at sobrang gusto kong magswimming, kaso walang time.
|